Naghain ng mosyon si outgoing Sen. Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan Fifth Division at hiniling na payagan siya na panumpain sa tungkulin ang kanyang anak na si Janella Vitug Ejercito na nanalong vice mayor ng San Juan.
Sinabi ni Estrada na nais niya na ito ang maging pinakahuling gagawin niya bilang senador bago matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30.
“This may very well be his last official act as Senator of the Philippines,” saad ng mosyon. “Before she assumes office she will need to take her oath as required by law. Considering the importance and significance of this event, it will be a father’s duty, obligation and more importantly his pride if he will be the one to administer the oath of office to his daughter.”
Ang oath-taking ay gagawin alas-8 ng gabi sa 409 Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
“After the oath, there will be a special gathering of family and constituents at the same venue to celebrate the occasion.”
Hiniling ni Estrada na manatili roon hanggang 2 ng umaga kinabukasan.
Sinabi ni Estrada na kanyang sasagutin ang gastos sa kanyang paglabas kasama na ang gastusin ng kanyang mga security escort.
Si Estrada ay nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center kaugnay ng kinakaharap nitong plunder case, isang non-bailable offense.
Siya ay inakusahan na tumanggap ng P183 milyong kickback mula sa mga non-government organization ni Janet Lim Napoles, ang inaakusahang pork barrel fund scam queen, kung saan napunta ang kanyang Priority Development Assistance Fund.
Ilang ulit ng ibinasura ng korte ang hiling ni Estrada na lumabas gaya ng pagnanais niya na makapunta sa miting de avanci ng anak. Pinayagan naman siyang makaboto sa katatapos na eleksyon.
MOST READ
LATEST STORIES