MULI na namang inuugnay ang TV host na si Willie Revillame sa isa sa mga dancers sa afternoon program niya na Wowowin sa GMA 7. This time, natsismis na nabuntis daw niya ang dancer sa show na si Samantha Page.
Agad na nagbigay ng reaksyon si Willie ukol dito. True na buntis daw ‘yung dancer pero hindi si Willie ang ama ng bata. Ayaw pa rin humupa ng kontrobersya kay Willie. Hanggang ngayon ay sinusundan pa rin siya ng mga isyu. Hindi naman kataka-taka dahil vulnerable siya sa mga intriga lalo na ang pag-link-link kay ganito at kay ganyan sa showbiz.
Unang-una, walang “sabit” si Willie kahit kaninong babae ngayon. Matulungin at magiliw makitungo lalo na sa mga kasama sa kanyang show na trademark naman kahit ng ibang male TV host at komedyante.
And we feel na sa tinagal-tagal na rin naman na naging TV host si Willie, naging maingat na siya sa “pakikisama” sa kanyang female co-hosts at maging sa mga dancer niya. Natuto na rin naman siguro siya. At ngayon pa ba siya gagawa ng isyu kung kailan ang ganda-ganda ng takbo ng Wowowin sa GMA?
Nakakatayo pa rin ng balahibo na makita every time na makakapanood kami ng episode ng Wowowin sa studio ang mga lola na hindi inalintana ang kanilang kalagayan na kahit malayo, matagalan sa paghihintay at lamigin sa studio nandoon pa rin, huh!
Nakakatawa naman kasi ‘yung mga jesters before the show na umaaliw sa audience bago mag-start sa show na sina Jeff Gonzales at si Chokla Bunag. Paminsan-minsan ay bigla rin silang tinatawag ni Willie sa stage with the rest of the Wowowin gang sa last segment ng show.
Matagal na naming kilala si Jeff at madalas na napapanood sa Laffline at Punchline comedy bars. Bilib kami sa kanya kasi ang dali niyang makatanda ng name. May mga gay comedy bar host na nakilala namin when they were still a nobody pero nu’ng sumikat ang daling nakalimot. Iba si Jeff. Every time dumarating kami sa studio ng Wowowin agad na siyang babati sa amin.
Anyway, tawa kami ng tawa every time magbabatuhan ng punchline sina Jeff at Chokla habang inaaliw ang audience. They are the reasons kung baki hindi naiinip ang audience kahit matagalan pa ang pag-aayos ng technical staff for the show.
Hindi na kami magtatataka if one of these days ay maging regular hosts na rin sina Jeff at Chokla sa Wowowin gaya ng kapwa nila stand-up comedian na si Donita Nose na kabilang na sa mga co-hosts ni Willie sa show.
We heard magsisimula nang umikot outside the Philippines ang Wowowin. In fact, naghahanda na ang grupo ni Willie sa unang bansa na pagtatanghalan nia probably next month or sa August. Excited na tiyak si Willie na makasama muli ang ating mga kababayan sa labas ng Pilipinas. Ang tagal na rin nu’ng huling mag-show si Willie sa labas ng bansa at nakapiling ang mga OFW.