Heart, Dennis mas titindi pa ang selosan

heart evangelista at dennis trillo

SA pagpapatuloy naman ng favorite naughty serye ninyong Juan Happy Love Story sa GMA Telebabad starring Heart Evangelista and Dennis Trillo, magugulat sina Kyle, Juan at Agatha to see na nabasa ang documents ng babae.

Meanwhile, magkasama naan sina Happy at Joy. Sasabihin ni Happy sa kapatid na pagtakpan siya in case magtanong si Juan. Maaalala ni Happy na nakalimutan niya ang kanyang susi kaya babalik sila sa car shop. Pagkabukas ng office, tatambad sa kaniya si Agatha hawak ang kaniyang susi! Mukhang nangangamoy away.

Happy tells Agatha na she has a right to feel a little jealous. But Agatha assures her na strictly professional lang ang relationship nila ni Juan. Magso-sorry naman si Happy. Hindi mapakali si Happy sa kaniyang bahay. Gusto niyang bisitahin si Juan, but she thinks na baka isipin ni Juan na masyado siya praning. Bothered pa rin siya na between Agatha and her, baka si Agatha ang mas piliin ng kaniyang asawa.

Sa car shop, makikita ni Juan na may nambabastos na D.O.M. kay Agatha. Magkakasuntukan ang dalawa. Agatha is tending to Juan’s bruises. Masasabi ng babae na kaya na-in love siguro si Happy sa kaniya is because gentleman siya. She offers to drive Juan home. Pero on their way home, naputukan ang gulong ng sasakyan.

Dadalhin nina Juan at Agatha ang sasakyan sa talyer to have it fixed. Magri-ring ang phone ni Juan. Tumatawag si Happy. Sasagutin ni Agatha. Shocked si Happy si Agatha on the other end of the line. She explains kung ano ang buong nangyari.

Read more...