TATANGKAIN ng Pilipinang si Gretchen Abaniel na masungkit ang ikatlong korona sa professional boxing sa pagsagupa nito kay Petcharas Superchamp ng Thailand sa Hulyo 2.
Hawak na ni Abaniel ang titulo sa Global Boxing Union at Women’s International Boxing Federation minimumweight division. Kung magwawagi siya sa Hulyo 2 ay mapapasakanya rin ang bakanteng Women’s International Boxing Association World minimumweight title.
Si Abaniel, na dating miyembro ng Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP), ay may 16 panalo, walong talo at anim na KO wins.
MOST READ
LATEST STORIES