Jessy Mendiola nanguna na sa FHM sexiest; Nadine Lustre second na lang

jessy mendiola

Nadine Lustre out! Jessy Mendiola in! Nalaglag na nga ang girlfriend ni James Reid sa latest result ng online poll para sa “FHM 100 Sexiest Women in the World 2016.” Base sa inilabas na report ng nasabing men’s magazine, nangunguna na sa bilangan si Jessy at nasa second spot na si Nadine.
Nasa ikatlong puwesto naman si Jennylyn Mercado, na itinanghal na sexiest woman last year. Nananatiling nasa number 4 spot si Angel Locsin at ikalima naman si Rhian Ramos.
Feeling namin, malaki ang naitulong ng mga sexy photos na ipinopost ni Jessy sa kanyang IG para manguna siya sa latest survey. Halos araw-araw nagpo-post ang Kapamilya actress ng kanyang bikini bod na talagang ipinaglalaway ng kalalakihan. –

Read more...