NAKIRAMAY ang mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Dino sa pamilya ng mga namatay sa nangyaring shooting incident sa isang gay nightclub sa Orlando, Florida, USA.
Kinondena ito ng mga local and international celebrities sa buong mundo, lalo na ng mga miyembro ng LGBT community.
Kasabay nito, nanawagan din si Aiza tungkol sa nagaganap na malawakang diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBT sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sabi ni Aiza sa kanyang Instagram account, “Nakakalungkot isipin na dahil lang sa kung sino kami at mga pinili namin mahalin, akala ng mga ibang tao, wala na kaming puwang sa mundo.
“Sana huwag ninyong kalimutan na ang LGBT ay mga tao rin, at may mga taong nagmamahal sa amin at nagbibigay ng pagpapahalaga sa aming buhay kagaya ng mga pamilya at kaibigan.
“Hindi porke iba ang tingin ninyo sa amin ay mayroon na kayong lisensiya para murahin kami, pagkaitan ng karapatan at kalayaan, pagtawanan, bastusin, saktan at patayin. Tao kami. Kagaya ninyong lahat.”
Samantala, nag-post din ang asawa ni Aiza na si Liza Diño ng mahabang mensahe sa kanyang Facebook account tungkol sa karumal-dumal na pagpatay sa mga miyembro ng LGBT sa nasabing gay nightclub.
Nasa Amerika ngayon si Liza para kumatawan sa documentary film nila ni Aiza na “Traslacion” (about LGBT couples) na isa sa mga entr sa SOHO Film Festival sa New York.
Narito ang message ni Liza: “It is important that we understand people outside of ourselves in order to love and not hate.
“After what happened in Orlando, mas naging meaningful ang trip namin dito sa New York because our documentary film TRASLACION explores the plight that we LGBTQ [Lesbians, Gay, Bisexual, Transsexual, Queer] couples go through in order to SURVIVE living in a country where RELIGION and the blind allegiance to it, bears more weight than mutual respect and LOVE.
“Sana hindi lang manatili sa Facebook ang inyong pakikiramay sa nangyari sa mga GAY PEOPLE na walang awang pinagbabaril dahil lang para sa inyo ‘iba’ sila. STOP HATE CRIME.
“Pare-pareho tayong TAO. Lahat tayo may karapatang mamuhay ng totoo sa sarili natin at magmahal ng MALAYA.”
MOST READ
LATEST STORIES