SPEAKING of “I Love You to Death” na showing na sa July 6 nationwide, sey ni Enchong saktung-sakto raw ang pagpapalabas ng pelikula nila ni Kiray Celis sa kanyang ika-10 year sa showbiz. Ito rin daw kasi ang ikasampu niyang pelikula.
Actually, maraming movie offer na tinanggihan si Enchong, pero nang mabasa niya ang script ng “I Love You To Death”, na-in love na siya sa kuwento at sa mga karakter sa movie. Isang zombie na may iba pang karakter ang role niya rito na baliw na baliw kay Kiray.
Kakaibang experience raw para kay Enchong ang makagawa ng pelikula sa Regal Films, “This is my first time with Regal pero sobrang nag-enjoy ako kasi yung movie outfit ni Mother Lily (Monteverde), iisa yung purpose, yung determinasyon sa pag gawa ng pelikula. Everything is proper, everything’s organized, the actors are prepared, the directors, the staff, so sabi ko, ‘Ah, it’s the same pala (with Star Cinema).
“Pati actors, kahit galing sila sa iba’t ibang management, kapag mahal mo yung trabaho, iisa lang ang working attitude n’yo, eh. Walang pa-diva, walang pahirap, so naging madali, naging fluid yung takbo ng shooting,” chika pa ng binata.
Bilib na bilib naman siya sa professionalism ni Kiray sa trabaho, “Hindi ko akalain na ganu’n na pala siya magtrabaho ngayon. Kasi siyempre, dati nakakasama ko lang siya sa ASAP, sa live shows, and then only to realize na, I think, siguro dahil Star Magic din siya, so yung training niya din iba.
“They have the same attitude sa work nina Erich (Gonzales), Maja (Salvador), yung mga nakatrabaho ko dati. Hindi siya nalalayo and siyempre, bida siya rito and kailangan niya talagang mag-step-up. And sa tingin ko naman nabigay niya kasi ginawa niya talagang lahat,” papuri pa niya sa kanyang leading lady.
Natanong din ang binata tungkol sa kakaibang closeness nila ni Bea Alonzo. Ang Kapamilya actress daw ang pinakamalapit na babae sa buhay niya ngayon, habang si Rayver Cruz ang BFF niyang lalaki. Kaya ang next question kay Enchong kung hindi ba nag-level up ang pagiging mag-BFF nila ni Bea? “Oo naman! Actually, hindi na nga friends, parang kapatid na nga, e.”
Wala ba talagang malisya o pagnanasa ang relasyon nila ni Bea? “I think pagnanasa is too much of a word. I think, admiration is the more proper term. So walang pagnanasa.”