BATA pa lang ay alam at ramdan na ni Charice na ang kaluluwa at buong pagkatao niya ay isang lalaki.
Ayon sa Pinay international singer, noon pa niya nasiguro na babae ang hanap niya at hindi lalaki. Kaya nga nang makilala niya ang dyowa niya ngayon na si Alyssa Quijano ay hindi na niya pinakawalan.
Sa panayam nga ng Tonight With Boy Abunda kay Charice, inilahad nito ang naging struggle niya bilang isang lesbian. Hindi naging madali para sa kanya ang ginawang pag-amin on national TV na isa siyang tomboy pero ito raw ang pinakamagandang nagawa niya para sa kanyang sarili. Sey ni Charice, wala ring problema sa kanya kung tawagin pa rin siyang girl o Ma’m ng mga tao, ang mahalaga ay ang pagtanggap niya at ng kanyang pamilya sa kung sino talaga siya.
“Dito po sa atin ang words lang na naiintindihan nila ay bakla or tomboy. The rest are confusing. When I came out years ako, I said opo, tomboy ako, pero para po sa akin when I said that feeling ko po kasi yun lang yung easiest way na mae-explain ko ang sarili ko sa tao,” ani Charice.
“Pero kung sasabihin po nilang ngayon ko lang napagdesisyunan lahat, na all of a sudden gusto kong tawagin akong man or he, as hindi….bata pa ako alam ko na sa sarili ko. Noong nagkaisip na ako alam ko na ang gusto kong suotin. Tumitingin ako sa salamin, alam ko na po kung sino ako,” dagdag pa ni Charice.
Pagpapatuloy, “So para mawala na po ang confusion…pero ang masasabi ko po alam ko po sa sariili ko kung ano ang ia-identify ko sa sarili ko, like what I said on Oprah, that my soul is a man. I’m not even scared to say that because I am confident that’s’ who I am.”
Natanong din si Charice tungkol sa sinasabi ng marami na malaki ang pagkakahawig nila ng anak ni Bongbong Marcos na si Sandro Marcos. “Nu’ng nakita ko yun and I saw his tweet, I’m glad that he’s not bothered by it and I wish him well and his family as well,” ani Charice.
Nagpasalamat din si Charice sa karelasyon niyang si Alyssa dahil ito ang nagsisilbing gabay niya sa buhay. Ang singer daw ang nagpapaligaya sa kanya sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. “’Pag wala siya feeling ko mas hindi ako kumportable, so kapag kinakabahan ako tinitingnan ko lang siya,” chika pa ng international Filipino artist.
Malapit na ring lumabas ang bago niyang album na “Catharsis” na regalo raw niya sa kanyang mga fans na hindi siya iniiwan mula noon hanggang ngayon.