Duterte no-show sa paggunita ng Araw ng Kalayaan sa Davao City

rodrigo duterte

NO-SHOW si President-elect Rodrigo Duterte sa paggunita ng ika-118 Araw ng Kalayaan sa Rizal Park sa Davao City.

Nagpadala na lamang si Duterte ng kinatawan kung saan hiniling naman ni Davao City administrator Jesus Melchor Quitain sa publiko na suportahan ang alkalde sa kanyag pag-upo bilang bagong pangulo ng bansa.

“Hindi pa tapos ang laban. Ang ating bagong-halal na Pangulo, Rodrigo R. Duterte, ay handang-handa nang ipatupad ang kanyang pangako at mithiin na baguhin ang pamamalakad ng pamahalaan at imulat ang mga mata ng sambayanang Pilipino sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran tungo sa maunlad at mapayapang kinabukasan,” sabi ni Quitain.

Idinagdag ni Quintain na makakamit lamang ang tunay na pagbabago kung susuportahan ng mga Pinoy ang mga programa ni Duterte.

“Kung pagbabago ang ating hangad, ‘yan ay dapat manggaling at magsimula sa bawat isa sa atin. Pagbabago, pagmamahal sa bayan, at pagtutulungan–‘yan ang kailangan para guminhawa ang Inang Bayan,” ayon pa kay Quitain.

Sinabi naman ni Quintain na hindi niya batid kung bakit hindi nakadalo si Duterte sa paggunita ng Araw ng Kalayaan.

“Hindi ko alam kung saan siya ngayon eh, pero alam ko tulog dahil umaga pa eh,” sabi ni Quitain nang tanungin ng mga miyembro ng media kung nasaan si Duterte.

Read more...