Aktres na nagpalaglag noon maligaya na sa bagong dyowa; Ex-bf naka-move on na rin

BLIND ITEM FEMALE 0415

MAHIRAP ba ang maging “mahirap”? Ito ang lagi naming naririnig mula sa mga taong nare-reject pagdating sa pag-ibig. Ito ang naging kuwento ng aktor na balitang tinanggihan ng magulang ng aktres na karelasyon niya.

Nanliligaw pa lang ang aktor ay sobrang tutol na ang magulang ng aktres dahil nga hindi nila kauri ang lalaki, pero dahil gusto ng anak nila kaya nagkaroon sila ng relasyon. Nakita rin namin na sobrang in-love ang dalawa at naging inspirasyon nila ang isa’t isa kaya naman binigyan sila ng TV network ng napakalaking project na talagang ikinawindang ng ibang prime artists.

Okay naman ang project, pero biglang umikli na ang istorya, hindi na yata umabot sa dalawang season dahil nagkaproblema na pala ang dalawang bida na laging nag-aaway sa set. Dumating din daw sa punto na hatid-sundo na ang aktres sa set ng magulang o kaya ng bodyguard para hindi na ang aktor ang maghatid sa kanya after ng taping na ikinaloka ng management at buong production staff.

Ang kuwento sa amin, “Buntis kasi si ___ (name ng aktres), nagulat ang lahat, e, hindi puwede ‘yun kasi nga, di ba? Tapos nabalitaan namin nagpalaglag kaya galit na galit yung guy, kaya away sila nang away.” Nagkaayos din naman ang dalawa pero hindi rin nagtagal dahil nabalitang nagkaroon ng third party sa relasyon nila. Sa ngayon ay civil lang sina aktor at aktres kapag nagkikita pero ramdam ng mga taong malapit sa kanila na gusto pa rin nila ang isa’t isa maski na pareho na silang may karelasyon ngayon.

At heto pa bossing Ervin, mayaman na ang dating mahirap na aktor at marami nang investments. ‘Yun lang, mas mayaman ang karelasyon ngayon ng aktres. Ha-hahaha!

Read more...