Mga mag-BFF apektado sa teleserye nina Pokwang at Melai

pokwang at melai

MARAMING nakaka-relate sa mga karakter nina Melai Cantiveros at Pokwang sa seryeng We Will Survive ng ABS-CBN. Kaya naman patuloy itong tinututukan ng viewers, lalo na ng mga mag-BFF.

Sabi ng isang loyal viewer ng WWS, kahit na medyo malalim ang tema ng serye na tungkol sa relasyon ng mag-best friend at sa mga taong nakapaligid sa kanila, light pa rin itong panoorin dahil sa mga punchlines nina Melai at Pokwang na likas na mga komedyante.

Sa pagpapatuloy ng istorta ng WWS, magbabago ang takbo ng buhay pag-ibig ni Maricel (Melai) matapos niyang hayagang aminin ang tunay niyang nararamdaman para sa ama ng kanyang anak na si Pocholo (Carlo Aquino).

Matapos makipaghabulan ni Pocholo sa isang snatcher, hindi napigilan ni Maricel na aminin ang kanyang pagmamahal para sa kanyang dating kaibigan dala ng lubos na pag-aalala para rito. Dahil naman sa biglaan niyang pag-amin, mas malaya nang maipararamdam ni Pocholo ang kanyang pagmamahal ngayong handa na si Maricel na muling buksan ang kanyang puso.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang paghahanda ni Edwin (Jeric Raval) para sa sorpresang proposal niya kay Wilma (Pokwang). Ngunit sabay sa kanyang palihim na preperasyon ay ang mga maling hinala ng kanyang nobya na dahilan para pagdudahan siya nito.

Marami pang dapat abangan kaya tutukan ang teleseryeng nagpapakita na gaano man kapangit ang mundo, gaganda ang buhay basta’t magkasama tayo, ang We Will Survive tuwing gabi, bago mag-TV Patrol.

Samantala, happy naman kami na nagkaayos na uli sina Melai at Jason Francisco. Okey na uli ang kanilang pagsasama.

Read more...