Alden nakakaawa, sunud-sunuran lang sa AlDub fans; Takot na takot malaos

alden richards

UMAARIBA na naman ang maraming miyembro ng AlDub sa kaba-bash sa mga artistang napapalapit kay Alden Richards. Napakarami na nilang binibiktima, nakakaawa ang mga personalidad na pinagtutulung-tulungan nilang bastusin, isang araw ay makakahanap din ng katapat ang mga taong ito.

Ang nakakaawa sa senaryong ito ay ang Pambansang Bae. Pumapayag kasi siyang gawing tau-tauhan ng mga tagahanga nila ni Maine Mendoza. Kung ano ang gusto ng mga ito ay hindi niya makontra. Sunud-sunusuran lang si Alden, walang backbone para ipaglaban ang kanyang karapatan, tuloy ay maraming nagsasabi at nag-oopinyon na takot na takot na kasi siyang bumaba sa kanyang pedestal.

Natatakot kaya si Alden na kapag bumitiw ng pagsuporta sa kanya ang AlDub ay wala na siyang pupuntahan? Buo kaya ang paniwala ng guwapong aktor na kapag huminto sa pagsuporta sa kanya ang mga tagahanga nila ni Yaya Dub ay malalaos na siya?

Masyado nang lumiliit ang mundo ni Alden dahil sa kagagawan ng ibang miyembro ng AlDub na kumokontrol sa bawat galaw niya. Wala siyang karapatang makipagkaibigan sa mga kasamahan niyang artistang babae ng GMA 7 dahil agad-agad nang iba-bash ng ilang miyembro ng AlDub ang mga ito.

Nakakaawa si Alden, pilit na ipinalulunok sa kanya ang pagkaing ayaw niya naman. Ipinagduduldulan sa kanya ang isang taong hindi niya naman
gusto.

Wala siyang kalayaang tumanggi kahit pa naduduwal na siya dahil ang palagi niyang iniisip ay baka matuldukan agad ang kanyang popularidad kapag bumitiw sa kanya ang grupong umaangkin sa popularidad nila ngayon ng Pambansang Yaya.

Nakakaawang Alden Richards.

Read more...