Coco nag-harvest na ng iba’t ibang gulay sa sariling farm

coco martin

BAGO pa ni-launch ng Knowledge Channel ang bago nilang programang AgriCOOLture ay nauna na ang bida ng FPJ’s Ang Probinsiyano na si Coco Martin sa pagkakaroon ng sariling farm.

Ang malaking lote sa tapat ng mansion niya ay hiniram muna niya para makapagpatayo ng bahay kubo at magtanim ng iba’t ibang klase ng gulay. Dito raw siya naglalagi kapag wala siyang trabaho.

Yes, Bossing Ervin, nasulat na namin dito base sa kuwento ng kapitbahay ni Coco na isang executive sa TV5 na nakikita niya noon ang aktor na naglilinig ng bakanteng lote at nagtatanim. Sa tuwing dadaan ang TV executive sa tapat ng bahay ni Coco tuwing umaga ay nakikita niya itong nagdidilig at nagpuputol ng mga damong ligaw sa kanyang gulayan.

At pagkalipas ng ilang buwan, nakapag-harvest na ang Kapamilya actor ng mga itinanim niyang gulay tulad ng talong, ampalaya, kamatis, okra, sitaw at marami pang iba.  Nakita namin sa kanyang Instagram account ang ilang litrato na kuha sa kanyang munting farm.

Makikita pa nga sa isang photo si Coco habang karga ang iba’t ibang vegies na nakuha niya sa kanyang gulayan.

Hindi kami sigurado kung ibinenta ba ni Coco ang mga na-harvest niyang gulay, pero kung kilala namin ang aktor, baka ipinamigay lang niya ang iba rito at ang natira ay baka pinagsaluhan nilang magkakapamilya.

Read more...