Incoming PNP chief magbibitiw kapag hindi nabawasan ang krimen sa loob ng 6 buwan

rodrigo duterte

NANGAKO si incoming Philippine National Police (PNP) Chief Supt. Ronald “Bato” dela Rosa na magbibitiw siya sakaling hindi mabawasan ang problema sa droga at kriminalidad sa bansa sa loob ng anim na buwan.

“I am ready to face the consequences after six months kapag hindi ko nagawa ang (dapat kong) gawin (if I am not able to do what I am supposed to do),” sabi ni Dela Rosa sa isang panayam sa DZMM.

Sinabi pa ni Dela Rosa na magiging irrevocable ang kanyang isusumiteng resignation letter.

“I’ve said before that I’ll surrender (to my superior if I fail): ‘Please replace me sir. I failed you and the people,’” ayon pa kay Dela Rosa.

Idinagdag ni Dela Rosa na hindi siya magiging kapit-tuko sa puwesto.

“May delicadeza naman ako,” ayon pa kay Dela Rosa.

Read more...