Aftershocks sa Nueva Vizcaya quake | Bandera

Aftershocks sa Nueva Vizcaya quake

Leifbilly Begas - June 10, 2016 - 04:32 PM
phivolcs Limang aftershock ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology kaugnay ng lindol na may lakas na magnitude 5.0 sa Nueva Vizcaya kahapon ng umaga.      Ang unang aftershock ay may lakas na magnitude 3.5 at naramdaman alas-4:08 ng umaga. Ang sentro nito ay 21 kilometro sa kanluran ng bayan ng Ambaguio.      Nagresulta ito sa pagyanig na may lakas na Intensity II sa Ambaguio.      Alas-4:23 ng umaga naman ang sumunod na aftershock. May lakas itong magnitude 3.2 at nagresulta sa Intensity II paggalaw sa Ambaguio.      Sumunod naman ang magnitude 2.8 alas-4:48 ng umaga. Ang sentro nito ay 24 kilometro sa Ambaguio.      Alas-5:55 ng umaga naramdaman ang magnitude 2.4 at ang sentro ay may 12 kilometro sa Ambaguio.      Sumunod naman alas-8:14 ng umaga ang magnitude 2.6 lindol.  30

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending