Sinabi ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) chairperson Renato Reyes na dapat ay imbestigahan ng Commission on Elections (Comelec) ang naging talamak na paglustay ng pondo ng gobyerno para sa kampanya ng LP.
“The Liberal Party and Mar Roxas should declare how much Noynoy Aquino contributed to their campaign by way of government resources and public funds. The Comelec should at least look into this matter now,” sabi ni Reyes.
Inakusahan din ni Reyes ang Comelec ng pagbubulag-bulagan sa mga umano’y iregularidad na kinasasangkutan ng LP, kagaya ng paggamit conditional cash transfer at bottom-up budgeting program.
“How many of the rallies and assemblies that mobilized 4P’s beneficiaries were actually funded by taxpayers? How many local sorties were funded by the LGU beneficiaries of the BUB program? Should these not be counted as contributions to the LP campaign by no less than the national government?” ayon pa kay Reyes.
Kasabay nito, sinabi ni Reyes na dapat isapubliko kung magkano ang ibinigay na pondo ni Pangulong Aquino para sa LP.
Ito’y matapos mabigo ang natalong kandidato ng LP na si Mar Roxas na magsumite ng kanyang statement of contributions and expenditures (SOCE).
Humirit din si Roxas ng 14-na araw na palugit para makapagsumite ng SOCE.