PUMAYAG na raw sina Baron Geisler at Kiko Matos na magkaayos muna bago ang inaasahang bakbakan nila sa loob ng ring sa darating na June 25 sa pamamagitan ng isang MMA exhibition fight.
Ito kasi ang ibinigay na kundisyon ng Universal Reality Combat Championship sa dalawang aktor bago ituloy ang kanilang laban na ngayon pa lang ay inaabangan na ng lahat ng mahihilig sa MMA.
Balitang puspusan na ang pag-eensayo at training ni Baron bilang paghahanda sa laban nila ni Kiko sa URCC na siyang nag-aayos ng kanilang exhibition match na magaganap sa Palace Pool Club, Global City sa Taguig.
Ayon nga sa URCC founder and president na si Alvin Aguilar sa nakaraang panayam nito, “We don’t want to make it appear that we’re glorifying street fighting and everything. We’re rushing the contract, but what we want first to make this happen is magbati muna sila, then we will push through with the exhibition fight.”
Tiyak naming maraming celebrities ang manonood nito.
Baron makikipagbati na kay Kiko Matos para matuloy ang MMA exhbition fight
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...