Sulat mula kay Cathy ng San Roque, Bombon, Camarines Sur
Dear Sir Greenfield,
Naisipan ko pong sumangguni sa inyo dahil sa kasalukuyan ay dalawa ang boyfriend ko. Nais ko lang malaman kung sino sa kanilng dalawa ang dapat kong piliin sakaling mag-aasawa na ako. Sa ngayon kasi ay pareho ko silang mahal at pareho din nila akong nagagalaw na. Sino po ba dalawang ito ang mas ka-compatible ko na dapat kong makatuluyan? Si Mr. Aquarius po ba a isinilang noong February 10, 1989 o si Mr. Capricorn na isinilang noong December 27, 1988? October 4, 1992 naman po ang birthday ko.
Umaasa,
Cathy ng Camarines Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kahit na dalawa ang boyfriend mo sa ngayon, iisa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin sa panahong nag-asawa ka na, kahit na may pagka-playgirl ka sa ngayon, mananatili kang tapat sa lalaking iyong mapapangasawa. At sa panahong may pamilya ka na, ang itatayong pamilya ay mananatiling buo at habangbuhay na magiging maligaya.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Jack of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustrraion 1.). Ang mga barahang ang nagsasabing kung sino ang mas bata ang edad sa dalawang boyfriend mo sa kasalukuyan ay mas malamang na iyon na ang iyong makakatuluyan.
Itutuloy