Mr. Pastillas anak sa labas; naging stalker ni Anne

richard mr pastillas

SA unang pagkakataon ay nakilala namin nang personal si Richard Parojinog o mas nakilala bilang si Mr. Pastillas na naka-loveteam noon ni Pastillas Girl (Angelica Yap), sila ang ipinangtapat noon ng It’s Showtime sa AlDub ng Eat Bulaga.

Dalawang buwan tumakbo ang kuwento ng buhay ni Pastillas Girl sa It’s Showtime hanggang sa ihanap siya ng noontime show ng ka-loveteam sa pamamagitan ng reality search. At sa ending ng segment ng programa, napili nga ni Pastillas Girl si Richard Parojinog, na graduate na pala sa kursong Hotel Restaurant and Management.

Kuwento sa amin ng binatang taga-Ozamis City, “Nag-date po kami talaga, pero pagkatapos po ng two months sabi sa amin (ng Showtime), hanapan kami ng ibang project, pero wala naman po at saka si Angelica, napunta na sa Viva (Artists Agency).

“Inalok din po ako ng Viva, pero hindi po ako pumirma kasi masyadong matagal ang kontrata, five years. As of now, nagwo-workshop po ako sa acting sa Star Magic, kay direk Rahyan Carlos,” sey ng binata.

Pagkatapos ng acting workshop ay isusunod naman daw ni Richard ang voice speech kasi nga may punto pa rin siya ng Bisaya. Inamin din niya na nagdalawang-isip siyang pasukin ang showbiz, “Noong una, gusto ko po, pero biglang nawalan ako ng kumpiyansa sa sarili ko kasi parang ang hirap pumasok sa showbiz at saka nu’ng time namin ni Pastillas, pure naman ‘yung intention ko na pumasok, kaso may mga bagay talaga na hindi naman na-push o hindi nag-workout.” Diretso rin niyang sinabi na hindi niya pormal na niligawan si Angelica Yap.

Nabanggit din ni Richard na anak siya sa labas at may kinikimkim na sama ng loob sa tatay niya na ngayon ay isa nang board member sa kanilang probinsiya. Aniya, “Marami po kasing minahal ang papa ko kaya nine kaming magkakapatid. Hindi po ako pinapansin ng papa ko dati, pero nu’ng nakilala ako bilang Mr. Pasitillas, pinahanap niya ako.”

Ayon kay Richard crush na crush niya sina Liza Soberano at Anne Curtis. Sa katunayan nu’ng nasa probinsya pa raw siya, talagang lahat ng show ni Anne ay pinupuntahan niya, “Hanggang sa Cebu, kasi gusto kong mapanood lahat ng show niya, parang stalker lang. Ha-hahaha! Tapos nu’ng nasa Showtime na ako, nakatabi ko siya, talagang nag-goosebumps ako, kasi pinapanood ko lang siya noon,” masayang kuwento ni Richard. Gusto rin daw niya sina Ellen Adarna, Jessy Mendiola at Coleen Garcia.

Read more...