Cedric kinontra lahat ng akusasyon ni Vina, pinrotektahan ang anak

cedric lee at vina morales

IDINENAY ni Cedric Lee ang lahat ng akusasyon ng dati niyang girlfriend na si Vina Morales tungkol sa diumano’y pwersahan niyang pagtangay sa anak nilang si Ceana.

Sa isang panayam, sinabi ni Cedric na meron siyang hawak na court orders na magpapatunay na ang Kapamilya actress ang hindi sumunod sa visitation rights na ibinigay sa kanya ng korte.

Kinontra rin niya ang sinabi ni Vina na na-trauma ang kanilang anak sa loob ng siyam na araw na magkasama sila. Aniya, masayang-masaya nga raw si Ceana sa kanilang bonding moments. Sa katunayan, may mga ipinost pang photo si Cedric sa social media kung saan magkasama sila ng anak.

Sa official statement ni Cedric sinabi pa nitong, “The press releases of Vina is not substantiated by court documents but mere allegations. The court documents can’t be released publicly due to the sensitivity of the case and to protect the exposure of our child to public scrutiny.

“It is also not in my nature to say negative things about the mother of my child to protect my child’s reputation. I, however, find her statements damaging,” aniya.

Kahapon ang unang hearing ng reklamong inihain ni Vina laban kay Cedric sa San Juan Prosecutor’s Office branch 162.

Read more...