Dina: Hindi ako nag-aartista para kumita ng pera!

dina bonevie

CHOOSY si Dina Bonnevie when it comes to accepting TV or movie assignments.

Mabuti at nagustuhan niya ang kanyang papel sa “Magtanggol”, ang indie film about OFWs directed by Sigfreid Barros Sanchez.

She plays the second wife of Jonee Gamboa na isang retired politician. Dina sees all the things happening in the “Magtanggol” family and her role is very pivotal. “I don’t do movies to make some money on the table. When I do a role I want it to be socially relevant.

I always want a movie that will teach the viewers something or will leave a thought in their minds that when they leave the movie house or when they watch an episode they would think, ‘ano nga ba? Ano nga ba dapat?’” esplika ni Dina kung bakit niya tinanggap ang role.

“So, when I read the script, I readily accepted the role kasi sabi ko napaka-socially relevant nito. Kasi malapit sa akin ang OFWs kasi in Ilocos ay napakaraming OFWs. Siguro about 85% ng pamilya sa Ilocos, lahat nasa foregn countries. Even if you ask them, gusto mo ba mag-work? Ay hindi mag-a-abroad ako.

“‘Yung ang panaginip ng bawa’t bata sa Ilocos Sur. ‘Ay hindi, mag-aabroad ako. Susunod ako sa tiya ko na OFW.’ So sabi ko dapat mapanood nila ito. Kapag nakita mo ang mga bahay nila doon, mga bato na malalaki, mayayaman talaga ang OFW doon.

“But, ano ang kapalit? A lot of them are from broken families. Yumaman sila peor naghiwalay sila or pagdating doon may asawa roon, may asawa rito. So marami ring take. Kumbaga, there’s a lot of gift that you get pero there’s a lot of take. So it’s up to you to police yourself.

“Kaya nga sinabi ko, ano ang ipagtatanggol mo, ‘yung dangal mo o ‘yung gusto mo. I took this role because I want to be the voice. Hey, wake up everybody. It’s time for us to police our own to really see what we can do,” dagdag pa ni Ms. D.

Read more...