Isang maybahay sa Lapu-Lapu, Cebu ang nanalo ng P24.7 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola noong Mayo 31.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng PCSO, ang nanalo ay 37-taong gulang, mayroong asawa at wala pang anak.
Siya ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 19-37-9-7-23-2 sa naturang bola.
Ayon sa nanalo ang mga numero ay kinuha niya sa kaarawan ng kanyang mga mahal sa buhay.
May 20 taon na umano siyang tumataya sa lotto at nagkakahalaga ng P40 ang kanyang taya ng manalo.
Plano niyang bumili ng sariling bahay at lupa at magtayo ng negosyo.
MOST READ
LATEST STORIES