Drilon: Si Koko na ang susunod na Senate president

koko pimentel

ISINUKO na ni Senate President Franklin Drilon ang liderato ng Senado kay Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, sa pagsasabing ginawa niya ito para sa pagkakaisa at katatagan ng Mataas na Kapulungan.

“I wish to announce that last night major political parties have agreed to have an alliance, principally the LP (Liberal Party) and its allied parties — we have six LP, one Akbayan — with the PDP-Laban, plus the NPC (Nationalist People’s Coalition) and the other allied political groups,” sabi ni Drilon matapos dumalo sa  Kapihan sa Manila Bay.

Idinagdag ni Drilon na batay sa napagkasunduan, itatalaga siya bilang Senate President Pro Tempore at Majority Leader naman si Sen. Vicente “Tito” Sotto III.

“We maintain the independence of the Senate but at the same time we will support in general the legislative agenda of President Duterte,” dagdag ni Drilon.

Ayon pa kay Drilon tinatalakay pa ang komposisyon ng mga committee.

“We have enough, we have more than the required majority,” dagdag pa ni Drilon kaugnay ng katiyakan na si Pimentel na ang bagong Senate president.

Kinumpirma naman ni Pimentel ang pahayag ni Drilon.

“The agreement reached among the major groups in the chamber,” sabi ni Pimentel.

Aniya, nakatakda siyang lumipad patungong Davao para ipaalam kay President-elect Rodrigo Duterte ang bagong kaganapan sa Senado.

Samantala, sinabi ni Pimentel na bukas siya para tanggapin si Sen. Alan Peter Cayetano bilang kasapi ng mayorya.

Nauna nang sinabi ni Cayetano na nais niyang tumakbo bilang Senate president.

Read more...