Kim Domingo hiniwalayan ang dyowa dahil kay Dennis?

kim domingo

SPEAKING of GMA Telebabad serye na Juan Happy Love Story, abangan din ang pagpasok dito ng bagong pantasya ng bayan na si Kim Domingo na mas lalong magpapaiinit sa bawat gabi ninyo bukod sa mga naughty at sexy scenes nina Happy (Heart) at Juan (Dennis).

Sa pagbisita namin sa taping ng serye, itinuro pa ni Dennis ang puwesto kung saan sila nagtsuktsakan ni Kim. Itinuro niya ang pader, hagdan, sala at pati sa dining table kung saan siya ininterbyu ng press bilang ‘scene of the crime’.

Sa eksena kasi, ini-imagine ni Happy na nagse-sex ang karakter ni Kim at ni Dennis dahil na rin sa sobrang selos. Ayon kay Dennis, okey naman daw kaeksena si Kim dahil wala itong arte at walang hiya-hiya sa mga ganu’ng klase ng eksena.

“Okey naman si Kim, hindi naman siya nahihiya. Ine-expect ko kasi baguhan siya, hindi pa niya nagagawa yung mga ganu’ng eksena kahit na narinig kong meron din silang intimate scenes ni Tom (Rodriguez) sa pelikulang ginawa nila,” kuwento pa ni Dennis.

Si Kim Domingo ay papasok sa kuwento bilang si Agatha, ang magiging business partner ni Juan.
Nagulat naman si Dennis sa balitang nakipag-break na raw si Kim sa boyfriend nito, lalo na nang malaman niyang six years tumagal ang relasyon ng dalawa.

“Kasi naikwento sa akin nu’ng ginagawa daw namin yung eksena yung boyfriend daw nasa labas,” pag-amin ng aktor. Hindi naman niya iniiip na siya ang dahilan kung bakit naghiwalay ang magdyowa. Wala naman daw dahilan para magselos sa kanya ang boyfriend ni Kim dahil trabaho lang ang ginagawa nila.

Read more...