Mga bumoto kay Duterte nagsisisi na raw, kanya-kanyang upak ang madlang pipol

rodrigo duterte

HINDI pa man pormal na nauupo sa silya ng Malacañang si President-elect Rodrigo Duterte ay kani-kanyang upak na ngayon ang sambayanang Pinoy, ang dami-dami nang komentong laban sa mauupong pangulo, kung nalaman lang daw sana nila na ganyan ang ugali ng kanilang minanok ay hindi na sana siya ibinoto ng mga ito.

Ang tanong, sino ba ang pumili para manalo ang binabato nilang pulitiko ngayon, kaninong utak ba ang nagdesisyong siya ang mauupong tagapamahala ng ating bayan?

Ang pagsisisi raw ay palaging nasa bandang huli. Kung nu’n ay maingay na maingay ang mga ito sa pagsulong sa kandidatura ni Ka Digong, ngayon ay nag-iingay pa rin naman sila, pero kakambal na ang pagkontra sa pinili nilang maging pangulo.

Sabi nga ni Robin Padilla ay napakahilaw pa ng panahon para upakan ang nanalo sa panguluhan, humihingi ng panahon ang action star para patunayan ni Ka Digong ang kanyang sarili, hindi ‘yung ganyan na sa Hulyo pa mauupo ang sinasabi nilang magpapabago sa takbo ng ating bayan ay inuulan na nila ng pagbato.

Oo nga naman. Napakamainipin ng ating lahi, gusto na yata nilang makakita agad ng milagro, samantalang ni hindi pa nga nahihipo ng mauupong pangulo ang kanyang silya sa Palasyo.

Read more...