Bumaba ng 13 sentimos kada kiloWatt hour ang singil ng Manila Electric Company sa kanilang mga kostumer.
Ayon sa Meralco bumaba ng P0.161 kada kWh ang singil sa generation charge of gastos sa paglikha ng kuryente ng mga planta.
Bumaba rin ang buwis ng P0.009 at iba pang singilin P0.024.
Tumaas naman ang singil sa transmission charges ng P0.066 kada kWh. Hindi nagbago ang distribution charge na sinisingil ng Meralco sa paghahatid ng kuryente sa mga bahay-bahay.
Ito ay nangangahulugan ng P25.47 pagbaba sa mga gumagamit ng 200 kWh kada buwan; P38.31 naman sa kumokonsumo ng 300 kWh, P50.95 sa 400 kWh, at P63.69 sa 500 kWh.
MOST READ
LATEST STORIES