Exact change bill niratipika na

coins
Niratipika ng Kamara de Representantes kamakalawa ng gabi ang panukalang magpaparusa sa mga hindi magbibigay ng tamang sukli at magsusukli ng kendi sa kanilang mga kostumer.
Ang panukala ay ipadadala na sa Malacanang para sa pirma ng pangulo.
Ang panukalang Exact Change Act ay akda sa Kamara ni Las Pinas Rep. Mark Villar na kamakailan ay itinalagang kalihim ng Department of Public Works and Highways ni incoming president Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Villar na hindi tama na kulang ang sukli na ibinibigay sa mga mamimili at dapat tiyakin ng may-ari ng mga negosyo na sinusunod ito ng kanilang mga empleyado.
“The measure will strengthen the protection of consumers specifically in the purchase of commodities or goods for sale or availment of services,” ani Villar.
Upang masiguro na tama ang isinusukli, dapat ay nakalagay din ang presyo ng paninda.
“This will avoid misleading the consumer as to the exact price they have to pay for the goods or services and consequently, the exact change due them,” dagdag pa ng solon.
Ang lalabag sa magmumulta ng P500 hanggang P25,000 o kaya ay katumbas na halaga ng tatlo hanggang 10 porsyento ng gross sales ng tindahan.
Maaaring makansela ang permit ng tindahan na paulit-ulit na inirereklamo dahil sa hindi tamang pagsukli.

Read more...