Dennis dinenay na naghiwalay na sila ni Jennylyn: Ok kami, imahinasyon lang ‘yun!

dennis trillo at jennylyn mercado

BILIB na bilib naman si Dennis Trillo sa professionalism ni Heart dahil kahit na nga may asawa na ang aktres ay all out pa rin ito sa mga “naughty” scenes nila.

Natutuwa rin ang dalawang Kapuso stars dahil mas dumarami na ang nagko-comment sa mga eksena nila sa soap, kabilang na ang mga netizens na walang sawang nagpapa-trending ng Juan Happy Love Story.

Nabalitaan pa nga nila na natatalo na nila sa ratings game ang katapat nilang programa sa kalabang network.”Natutuwa lang kami na maganda yung feedback ng viewers lalo na yung mga masisipag na netizens na nagpo-post ng kanilang message during and after the episode.

“Yung sinasabi (panalo sa rating) tungkol sa show namin, ayaw naman namin mag-down ng ibang shows. Basta importante sa amin pinapanood ng mga tao, inaabangan kami. Sabi ng ilang viewers, enjoy silang manood dahil nakakawala raw ng stress,” komento pa ni Dennis.

Natanong din si Dennis tungkol sa relasyon nila ni Jennylyn Mercado matapos mabalitang nagkaroon daw sila ng matinding away kaya nauwi na naman sa hiwalayan ang kanilang love story. Nagbura pa raw si Jennylyn ng mga picture nila sa Instagram na kuha nu’ng magbakasyon sila kamakailan sa Maldives.

“Okey naman kami. Hindi ko nga alam kung saan nanggagaling yung mga yun. Ako wala naman akong binubura (na pictures), tsaka hindi naman porket nagbura may problema na, eh. Yan ang hirap sa social media, maraming misinterpretation,” diretsong sagot ng Kapuso actor. May mga nagsasabi naman na away-bati ang relasyon nila ni Jen kaya may naglabasan na hiwalayan isyu.

“Hindi ko nga…ano naman alam nila, di ba? Hindi naman nila alam yung mga nangyayari. Puro imahinasyon lang yung pinapairal nila kaya mas gusto namin talaga pribado lang para iwas intriga,” ani Dennis. Hindi rin naman daw mahilig magbura ng mga pictures si Dennis sa kanyang social media accounts kaya huwag na raw sanang lagyan ng malisya ang mga bagay-bagay sa pagitan nila ni Jen.

Read more...