Kuya Kim naaksidente habang nasa triathlon race

kuya kim atienza

NAAKSIDENTE ang TV host na si Kim Atienza habang nasa isang triathlon event nitong nagdaang Linggo. Ngunit sa kabila nga nito, natapos pa rin niya ang laban. Sa kanyang Instagram post, ipinakita niya sa kanyang followers ang ginamit na bike at ang natamong sugat mula sa aksidente na kinailangan daw tahiin agad.

Pagkatapos na pagkatapos ng race, agad na dinala sa ospital si Kuya Kim. Nagpapasalamat siya dahil hindi naman ganu’n kagrabe ang natamo niyang mga sugat. “To God be the glory! My hardest earned tri medal so far. Still finished well despite my bike crash in IDESS,” ayon pa sa IG post ni Kuya.

Dagdag pa ng TV host, ang kanyang helmet ang nag-save sa kanya nang magandang ang aksidente.
Aniya, “It (helmet) saved my life in today’s bike crash. All I have is a bruise when it could’ve been critical.”

Nagsimulang karirinin ni Kuya Kim ang pagsalit sa mga triathlon competition matapos ma-stroke noong 2010. Ilang beses na siyang nag-participate sa mga Ironman races simula noon.

Read more...