Ejay Falcon halos maiyak nang mag-sorry kay Yam Concepcion

ejay falcon at yam concepcion

PAGKALIPAS ng tatlong taon ay nagkaroon na ng closure ang relasyon nina Ejay Falcon at Yam Concepcion nang magkasama ang dalawa sa isang pelikula na tungkol sa OFW ang kuwento.

Kasagsagan ng Dugong Buhay serye (2013) nang magkaroon ng relasyon sina Ejay at Yam at pagkatapos daw ng nasabing serye ay biglang naglaho ang aktor at hindi na rin tumawag. Kaya pala noong nakakausap namin si Yam ay parati siyang may hugot lines dahil masama ang loob niya kay Ejay kaya ang nasabi niya noon ay, “Iniwan ako sa ere.”

At sa shooting ng bago nilang pelikula na para sa OFW ay balitang hindi makaarte nang tama ang dalawa dahil pareho silang naiilang sa isa’t isa. Sabi ng aming source, “Pinag-sensitivity workshop sila ni direk na piniringan ang mga mata tapos pinahawak sila sa mga parte ng mga katawan nila.

“Tapos sabi ni direk na mag-whisper sila sa isa’t isa ng mga gusto nilang sabihin sa isa’t isa, si Ejay panay ang sorry kay Yam na talagang up to the point na mapapaiyak na, puro sorry lang narinig namin. “Tapos may eksenang maghahalikan sila, totoo ‘yung luhang lumabas pareho sa mga mata nila. Alam mong may longing tapos biglang may closure. Kaya hayun, okay na sila, hindi na tulad dati na dedmahan,” sabi sa amin.

Read more...