Rochelle, Maine pinag-aaway; lumang tweet laban sa Sexbomb Girls ipinakalat

rochelle pangilinan at maine mendoza

NAG-REACT ang Kapuso actress-dancer na si Rochelle Pangilinan sa kumalat na “lumang tweet” diumano ni Maine Mendoza laban sa Sexbomb Girls.

May screengrab kasing lumabas sa social media na kuha raw sa official Twitter account ni Maine na may mensaheng, “May Daisy Siete pa pala. Nakakatawa! Puro ka jologsan ng Sexbomb. Yuck. Yuck. Yuck!” Ang petsa ng nasabing tweet ay noon pang March 14, 2010. Ang tinutukoy naman sa nasabing Twitter post ay ang dating afternoon series ng grupo ni Rochelle na Sexbomb Dancers sa GMA 7 na umere noong 2003 at tumagal hanggang 2010.

Nakarating kay Rochelle ang nasabing issue at nagbigay nga ito ng komento sa pamamagitan din ng Twitter. Aniya, “Hindi naman nya yan masasabi, for sure na hacked ang account nya. Alam kong nahacked lang ito, may pinagaaralan ang totoong mayari nito, sana itigil nyo na ang pagkuha ng hindi sa inyo. “Kung totoo mang twit nya to…hmm…o e Ano naman! Deadma..God is good all the time!!!”

Marami namang netizens ang nagbigay ng reaksiyon tungkol dito, karamihan siyempre ay nagtatanggol sa ka-loveteam ni Alden Richards. Ayon sa ilang AlDub fans, bata pa raw si Maine nu’ng i-tweet niya ito at wala pa siya noon sa mundo ng showbiz. Sey ng isang Maine supporter, “Halungkat pa more! Buhayin ang bangkay! Anong motibo? Dahil sikat na sikat na si Maine kaya naglalabas sila ng ganyang balita? Desperada na talaga! Makapanira lang!?”

May nagsabi naman na, “I’m sure naiintindihan ni Ms. Rochelle si Maine. Ang tagal tagal na ng tweet na ‘yun. Tao lang din naman sya na nagkakaroon ng ganung moment at bata pa zya nun. Kaya wag nang ibalik ang nakaraan. Move on na! 2016 na po. Stop the hate! Lovelovelove na lang!”

Read more...