Angel sa pagpatol ni Luis kay Keanna: Buhay niya yan kaya sino tayo para manghusga!

angel locsin at luis manzano

AYAW tantanan si Luis Manzano ng paninira simula nang lumabas ang issue sa kanila ni Keanna Reeves.

Sa isang podcast interview with Mo Twister ay pinangalanan ni Keanna na isa si Luis sa mga naka-bedroom acrobatics niya when the actor-TV host was younger. Na-disappoint lang daw siya nang humiling si Luis ng threesome.

Isang follower ni Angel Locsin sa Instagram ang nagchika na, “Matagal ko na itong naririnig na mahilig si Luis sa orgy. Angel, wake up na! Ang taong silahis, they don’t know what they want. Sabi na nga mismo ni Vilma, laging galit noon si Luis kasi, He doesn’t know what he wants in life.'”

“May friend akong silahis, sabi nya meron few months, in love sya sa babae, then after a few months, nai inlove naman sya sa lalaki. Try mo panoorin ang Hormones Season 1 ng maka relate ka sa mga lalaking bisexuals!!

Sumagot naman si Angel at sinabing, “If that is true, buhay naman nya yan at who are we to judge. pero kung tatanungin mo po ako, sa akin, he’s a gentleman at never naman akong nakarinig ng ganyan sa kanya.. Ngayon po, gusto ko na pong ipagpatuloy ang pag mo-move on ko.”

Wala pa kaming nakukuhang comment from Luis about this issue. Parang wala pa siyang denial tungkol sa claim ni Keanna. Maybe ayaw na lang niyang patulan ang sexy comedienne dahil wala naman siyang mapapala.

Read more...