Male star hanep manloko ng babae; talunan sa eleksiyon pero busog ang bulsa

BLIND ITEM MALE 0316

HANGGANG ngayon pala, kapag naaalala ng mga kababayan natin ang pagi-ging wais ng isang male personality ay nag-aapiran pa rin silang magkakasama, tandang-tanda pa kasi ng grupo ang pagiging materyoso ng aktor na ito.

Dumayo sa isang bansa na punumpuno ng raket ang male personality, kunwari’y performer siya sa club, pero ang totoo ay nagpaka-hosto siya nang wagas na wagas. Mabenta naman sa mga kababaihan ang aktor, mara-ming babaeng nagkaroon ng interes na makarelasyon siya, nakipaglaro naman ang male personality sa gustong mangyari ng mga babaeng lumalapit sa kanya.

Kaliwa’t kanan ang pinagbigyan niya, as in, apat na banyagang babae ang palagi niyang idine-date. Walang kaalam-alam ang mga ito na sabay-sabay pala silang “minamahal” ng guwapong aktor! Kuwento ng isang miron sa grupo, “Grabe ang taong ‘yun, magaling talaga siyang umatake! Magaling siyang bumoka, napapaniwala niya ang apat na babae na mahal na mahal talaga niya ang bawat isa!

“Matindi kasi siyang maglambing, walang usong hiya-hiya sa kanya, may kakapalan ang face ng lala-king ‘yun, kaya naman sangkaterbang materyal na bagay ang nakukuha niya sa apat na foreigners,” simulang kuwento ng aming source.

Pero basang-basa naman ang papel ng aktor sa mga Pinoy na nandu’n, ikinahihiya nila ang aktor na sobrang hilig mangurakot sa mga babaeng nagmamahal sa kanya, manghang-mangha sa galing niyang mangharbat ang maraming kababayan natin du’n.

“Tingnan mo nga naman ang buhay, di ba? Parang kailan lang, e, kinakalakal ng lalaking ‘yun ang katawan niya, pero nga-yon, kilalang-kilala na siya at may posisyon pang pinanghahawakan sa bayan niya!

“Sino ngayon ang magsasabi na walang ginto sa basura? Meron! Ang male personality na ito ang makapagpapatunay na kapag madiskarte ang tao, e, makakakita siya ng grasya!” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra, niregaluhan mo ba siya ng masarap na boto nu’ng nakaraang eleksiyon? Talo siya sa halalan pero panalo ang kanyang bulsa.

Read more...