Duterte nangakong ilalaan ang lahat ng kita ng Pagcor sa healthcare, edukasyon

duterte-301
NANGAKO si President-elect Rodrigo Duterte na ilalaan ang lahat ng kita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) para sa edukasyon at health services.

“I will commit all earnings sa Pagcor which runs to billions. Ibigay sa mga ospital, para sa hospitalization,” sabi ni Duterte matapos ang kanyang thanksgiving party sa Crocodile Park sa Davao City.

Nangako rin si Duterte na magpapatayo ng mga bagong paaralan sa mga liblib na lugar sa bansa.

“Dito sa education, I will endeavor to build national high schools. No need to walk 30 kilometers to go to school; ako mismo magdala ng eskuwelahan,” dagdag ni Duterte.

Read more...