Pia natupad ang isa sa mga pangarap nang makilala at makausap si J.Lo

By Ervin Santiago June 06,2016
share this

Pia natupad ang isa sa mga pangarap nang makilala at makausap si J.Lo

By Ervin Santiago June 06,2016
share this

pia wurtzbach at jennifer lopez

SUPER happy si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach nang makita niya up close and personal ang isa sa mga favorite Hollywood star niya. Kasama ang kanyang kaibigang si Miss U.S.A. 2015 Olivia Jordan, parang nasa cloud 9 pa rin si Pia matapos makilala ang Hollywood singer-actress na si Jennifer Lopez.

Nagkita ang dalawa ma-tapos mag-perform si J-Lo sa “All I Have” concert na ginanap sa Planet Hollywood The Axis sa Las Vegas nitong nagdaang weekend. Sa kanyang Instagram, nag-post si Pia ng litrato nila ni J.Lo at ibinandera sa buong universe ang kanyang pagiging fan.

“This happened. @JLo you are #goals. @missusa and I were loving this,” sey ng ikatlong Pinay Miss Universe. Mas lalong kinilig si Pia nang irepost ni Jennifer Lopez sa kanyang official Twitter account ang mensahe ni Pia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending