Ibinabahay ng may-asawa na (2)

Sulat mula kay Nerizza ng Tabon, Bislig City, Surigao del Sur
Problema:
1. Ibinabahay po ako sa ngayon ng isang lalaking may asawa na at siya bale ang nagbibigay sa akin ng pang-tuition at allowance sa school. Pero hindi pa sila hiwalay ng tunay niyang asawa, kaya lang hindi na daw sila magkasundo kaya nag-file na raw sila ng deborsyo sa husgado at kapag daw nagkahiwalay silang mag-asawa, nangako siya sa akin na ako ang na papakisamahan at papakasalan niya.
2. Ang gusto kong malaman ay kung mangyayari kaya ang pangako nya na papakasalan nya ako at magsasama kami habang buhay, kasi malaki ang agwat ng aming edad, pero sabi nya sa akin mahal na mahal nya daw po ako. October 4, 1992 ang birthday ko at August 28, 1979 naman ang lalaking kinakasama ko.
Umaasa,
Nerizza ng Surigao del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing kung magiging praktikal ka, ibig sabihin ay materyal na bagay ang isasaalang-alang mo, ang dapat mag-ipon ka ng maraming pera, para sa sandaling nagkahiwalay kayo, makakahanap ka ng binata at walang pananagutan sa buhay.
Numerology:
Ang birth date mong 4 ay nagsasabing kung hindi isinilang sa petsang 7, 16 o kaya’y 25 ang lalaking sinasabi mo, magiging panandalian lamang at hindi rin magtatagal ang relasyon nyo sa kasalukuyan. Kaya ang mas dapat mong paghandaan sa ngayon ay ang iyong paghihiwalay, upang sa ganon ay makapag-ipon ka ng sarili mong pangsimula kapag iniwan ka na ng kinakasama mong mayaman.
Graphology:
Ang lagda mong magulo sa simula pero gumanda din sa gitna hanggang sa dulo ang nagsasabing “may isang panahon sa iyong buhay na makikipa-live-in ka at maanakan ng isang lalaking may asawa na, subalit sa bandang huli magkakahiwalay din kayo upang pagkatapos makatagpo ka ng isang binata at pang habang buhay ng makakasama.”
Huling payo at paalala:
Nerizza hindi mo dapat asahan ang pangako sa iyo ng lalaking kinakasama mo sa ngayon na papakasalan ka niya. Sa halip ang nakatakda ay sa taong 2018 sa edad mong 26 matapos kang maanakan ng isa, iiwan ka rin ng lalaking kinakasama mo, upang pagkatapos ikaw ay magiging dalagang ina, subalit pagsapit ng taong 2019 sa edad mong 28 pataas, isang lalaking binata na may zodiac sina na Aquarius ang magiging boyfriend mo at mapapangasawa na siya mo nang makakasama sa pagbuo ng isang masaya at pang habang buhay ng pamilya.

Read more...