Karla: Bilang nanay, automatic na ipagtatanggol mo anak mo!

karla estrada

HINDI na raw makikisawsaw si Karla Estrada sa isyung kinasa-sangkutan ng kanyang anak na si Daniel Padilla na may kunek pa rin sa kumalat na video nito sa isang concert sa Isabela kung saan nakapagmura ang binata nang may mag-dirty finger sa kanya habang kumakanta.

Feeling daw kasi ng Kapamilya singer-actress, hindi naman daw ganu’n ka-affected si Daniel sa mga namba-bash sa kanya kaya chill-chill lang din daw siya.

“Bilang nanay, automatic sa iyo na ipagtatanggol mo ang anak mo pero hangga’t okay si Daniel, hangga’t relaxed lang siya, hangga’t ayaw niyang patulan ang lahat ng ito, eh okay lang ako,” ayon kay Karla sa panayam ng ABS-CBN.

Sey pa ni Karla, hindi na bago sa kanya at kay Daniel ang nangyari sa Isabela, “Sa aming mga artista, nakaka-experience talaga kami ng ganoon. Ako nga sa edad kong ito, mayroon pa ngang (nambabastos), hindi mo naman kasi mapipigilan.

“Iba-iba timpla, iba-iba ang tao pero siyempre ingat lang tayo. Lahat kasi ng hindi natin ginagawang maganda, may balik iyan sa iyo. Tsaka, normal naman yun kasi height pa yun siguro ng campaign, ng election whatever.

“Du’n sa nag-dirty finger, pasanin na lang niya yun habang buhay, konsensiya niya na lang ‘yun. Pero kami, ipagpapatuloy naming mag-ina na maging masaya, maligaya, at matagumpay. “Marami talagang magtatanggol, it’s not for us to say something. Hindi na para ipagtanggol ko…ipinagtatanggol ko sa paraan na alam ko lang, pero hindi na kasi kailangang patul-patulan.

Actually, marami nang magtatanggol, so du’n pa lang sa tagapagtanggol namin, tapos na ang laban,” ani Karla.

Read more...