TULOY sa pagpatol sa kanyang bashers ang veteran singer na si Jim Paredes na ayaw tumigil sa pagbatikos sa kanya matapos mag-post ng isang meme ni President-elect Rodrigo Duterte sa kanyang Twitter account.
Ito ‘yung litrato ng mukha ni Digong na ipinatong sa imahe ng Sto. Niño. Ayon kay Jim Paredes, para raw ito sa mga tagasuporta ni Duterte na kung ituring ang bagong halal na pangulo ay parang Diyos na. Ikinabwisit ng mga Katoliko kaya inulan ng batikos ang beteranong singer.
Sa kanyang Twitter, muling nag-post si Jim ng kanyang mga mensahe para sa bashers na bumabatikos sa kanya. Narito ang sunud-sunod na tweets ni Jim Paredes:
“I did not make the meme but i posted it. I take responsibility. It was not against Sto Niño but against ppl who treat candidates as God. “When ppl believe candidate can do no wrong & will thrraten ppl to defend him kahit mali, that is idolatry. Meme is aimed at them.
“If you did not get the satirical intent and got offended, i apologise. But i hope it led some of you to think deeper abt this craziness. “Can you invoke Chistianity and accuse anyone of anything if you yourself behaved badly and sent death threats and insults?”