Thea sa halik ni Aljur: Gusto kong mahimatay at maiyak!

thea tolentino at aljur abrenica

THERE’S always a room for firsts. At para kay Thea Tolentino, ito ang onscreen kiss niya with her Once Again co-star na si Aljur Abrenica.

Pag-amin ng Kapuso young actress, hindi siya agad naka-get over sa eksenang iyon with the Kapuso hunk, “Nabigla kasi ako talaga. Meron kasi kaming framing sa set para hindi kami lumagpas sa camera, pag-kiss ko sa kanya, lumampas ako sa frame na yun. Parang sa isang segundo ang dami kong naramdaman. Gusto kong mahimatay, gusto kong maiyak, and all. Pero after namin gawin yung scene, parang isang oras akong hindi maka-get over!” pagbabahagi ni Thea.

Panoorin na lang natin kung mahahalata sa eksena ang sobrang nerbyos na inabot ni Thea nu’ng ginagawa nila ang nasabing eksena. Pero sabi nga namin, sigurado namang hindi nag-take advantage si Aljur sa kissing scene nila ni Thea.

Read more...