Tomboy na singer mahirap katrabaho, may sakit na ‘amnesia’

BLIND ITEM FEMALE 0305

ANG pagkukumpara ay hindi talaga maiiwasan. Kung bakit meron namang katangian ang dalawang taong may magkaparehong kasarian na dapat pahalagahan ay pilit pa rin silang pinagkukumpara.

Dalawang babaeng personalidad na nagpakatotoo sa kanilang sarili at sa publiko ang naging paksa sa isang umpukan habang tuluy-tuloy ang pagpatak ng ulan. Pareho silang mahusay kumanta, mas nauna lang na naglantad ng tunay niyang gender si Singer A, pagkatapos nang ilang taon ay ipinagsigawan na rin ni Singer B ang tunay nitong kasarian.

Nu’ng una ay pareho silang nakatikim nang maaanghang na komento, pero nasasaktan man ay nagbingi-bingihan na lang sila, wala nga namang makapagpapaligaya sa kanila kundi ang katotohanan. Sabi ng isang miron sa umpukan, “Ako, mas gusto ko ang ugali ni Singer B, I find her humble, hindi siya mayabang, hindi siya pa-profound na akala mo na, e, alam na niya ang lahat-lahat.

“Saka mas masarap siyang kausap, she listens, hindi siya nambabara. Mas magaling din siyang performer para sa akin, hindi nakakulong ang talent niya, nagagawa niya ang lahat kumpara sa syombash na katapatan niya,” komento ng impormante.

Sinang-ayunan ‘yun ng isa pang source sa umpukan, nagkaroon na pala kasi ito ng hindi kagandahang karanasan kay Singer A, kaya mula nu’n ay ayaw na nitong makasama sa kahit anong show ang tivoli.

“Mahirap siyang katrabaho. Selective ang memory ng tibong ‘yun! Malaki ang kaibahan sa kanya ni Singer B, sikat na siya kahit sa iba-ibang bansa, pero hindi siya maangas!” komentaryo naman nito.
Bradly Guevarra, dalawang lantad na tibash lang ang pamimilian mo, kanino ka sa dalawa? Goooooooo!!!!

Read more...