Duterte gagawing MTRCB chair si Annabelle?

annabelle rama at duterte

HINDI raw interesado si Annabelle Rama na maging chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). May mga kumakalat kasing chika na baka raw sa kanya ibigay ni President-elect Rodrigo Duterte ang nasabing posisyon kapalit ni Atty. Toto Villareal.

May mga nagsasabi na baka ito raw ang pinag-usapan ng talent manager at ni Digong nang magkita sila uli sa Davao nitong nagdaang Miyerkules. Kasama pa raw sa meeting ng dalawa ang veteran singer na si Pilita Corrales.

Sa panayam ng press kay Ruffa sa isang event, sinabi nitong ayaw daw ng mommy niya ang maging MTRCB chairman. “I don’t know if it’s true. But sabi lang ni Mommy na, if ever, hindi siya interesado because she don’t wanna stay in a room watching movies all day and all night.

“And feeling daw niya, marami daw siyang producers na makakaaway, e, lahat friends niya, di ba? So I don’t think she’s interested and I don’t think it was even offered to her,” sey ni Ruffa.

Read more...