Gerald Anderson, Yen Santos sanay nang sumakay ng pedicab

gerald anderson at yen santos

ABALA sa taping ng seryeng Because You Loved Me sa Mindoro sina Gerald Anderson, Yen Santos at Jake Cuenca sa direksiyon ni Dan Villegas handog ng Dreamscape Entertainment.

With confidence na ipinost ni Yen Santos sa kanyang IG account ang litrato niyang naka-two piece at may caption na: “Please take me back to this body.” In fairness maganda ang katawan ng aktres kaya hindi naman siya tiyak maba-bash sa social media at may karapatan din naman siyang mag-post ng kung anong gustuhin niya basta wala lang mao-offend.

Samantala, nag-post din si Gerald sa kanyang IG account ng, “Beautiful! Bulalacao Mindoro. Great View & Great people. Stayed on the island after pack-up ng taping namin. I didn’t want to miss the chance to stay overnight on this island so I set up camp. The stars were amazing and then woke up to this View. Started the day right with #LAcoffee ..#becauseyouloveme.”

Ipinost din ng Kapamilya actor ang kuha nila ni Yen na nakasakay sa pedicab na may mga kargang paninda. Nilagyan niya ito ng caption na: “#becauseyoulovedme – for the best MANGYAN look go to @brunosbarbers.” Kulay brown kasi ang buhok ngayon ng aktor.

Wala namang updated post si Jake Cuenca sa kanyang social media accounts kaya marami ang nagtatanong kung bakit parang tahimik ngayon ang aktor sa pagse-share ng mga kaganapan sa kanyang buhay? Nagtanong naman kami sa taga-Dreamscape kung kailan ang airing ng serye nina Gerald, Yen at Jake, pero wala pa silang binanggit na eksaktong petsa.

Read more...