KINANSELA ng Court of Tax Appeals (CTA) second division ang nakatakdang pagbasa ng sakdal sa movie director na si Carlo J. Caparas sa Hunyo 8 matapos naman ang kanyang mosyon na pagsamahin na lamang ang apat na kaso ng tax evasion laban sa kanya.
Tatlo sa mga kaso ng tax evasion laban kay Caparas ay hawak ng CTA second division, samantalang nasa CTA first division naman ang isa pang kaso.
Binigyan ng CTA ang Department of Justice (DOJ) ng 10 para magkomento sa mosyon ni Caparas.
Nauna nang nagpiyansa si Caparas ng P80,000 para sa apat na kaso ng tax evasion.
Kinasuhan si Caparas kaugnay ng hindi umano pagbabayad ng buwis mula 2006 hanggang 2009 at nabigong ideklara ang kanyang kinita mula sa “Ang Pangarap Kong Jackpot” television drama ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Bukod sa apat na counts ng tax evasion, nahaharap din si Caparas sa apat pang counts ng tax evasion kaugnay ng hindi pagbabayad ng buwis na aabot sa P101.8 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
