Litrato nina Kris at Trillanes na magka-date as Hawaii peke

KRIS AQUINO AT ANTONIO TRILLANES

KRIS AQUINO AT ANTONIO TRILLANES

ROMANCE rumors between Kris Aquino and Sen. Antonio Trillanes refuse to die down. Well, almost.

Ayaw pa ring tumigil ng inventors to the highest order and of late there was one picture circulating online which said that Kris and Antonio dated in Hawaii.

The photo turned out to be fake. Kuha lang pala ‘yon sa past episode ng Kris TV where Trillanes was a guest.

Ang ginawa ng isang imbentor, he cropped the photo to make it appear na sina Kris and Antonio lang ang nag-date.

Paano namang magiging credible ang photo, eh, nasa kabisera si Kris samantalang nasa gilid niya si Antonio na kumakain. Kung magka-date sila, dapat magkaharap silang kumakain, right?

Anyway, ang daming nag-react sa photos na ‘yon which surfaced in a popular website.

“Siguro dala na rin ng inis sa sobrang kaartehan ni Kris kaya maraming naniniwala sa bad news muna before giving her the benefit of the doubt na may troll na nagkakalat ng malicious stories.”

“Actually sa page ko yellowtard pa ang nagshare nyang photo na yan masyadong gullible. With matching caption pa na ‘Nako tetay lubayan mo yang traitor na yan’ gosh gullible na talaga people these days.”

“Yan ang hirap sa ating mga Pinoy. Gumagawa tayo ng issue na hindi naman totoo. In fairness though, nakapaghanap sila ng photo na ilalabas sa publiko para makapanira.”

“Demokrasya pa rin ba ang mag imbento ng kwento? Kung sabagay, dahil noon at ginawang batas Ito, pag nag rumor-mongering ka lang nung panahon ng diktaturya ng Martial Law noon, malamang biktima ka na agad ng human rights violations gawa mismo sa iyo ng gobyerno. Sana gamitin ng responsable ang freedom of speech. Hindi ganito.”

Kahit na wala sa bansa si Kris ay hindi pa rin siya tinatantanan ng intriga. Truly, she is a magnet for intrigues.

Read more...