Garrie: Tanggap ko po ang baby ni Michael… ayoko siyang husgahan!

MICHAEL PANGILINAN AT GARRIE CONCEPCION

MICHAEL PANGILINAN AT GARRIE CONCEPCION

NAGULAT pala si Garrie Concepcion nu’ng aminin ni Michael Pangilinan ang kanilang relasyon sa Tonight With Boy Abunda kamakailan. Hindi raw kasi nagpasintabi ang boyfriend niya.

“Opo, hindi ko po alam, hindi niya sinabi sa akin, even after he was interviewed, he messaged me, ‘Manood ka, nakakatuwa ‘yung interview.’ So ako naman, hala sige nasa bahay, nood naman ako, tapos ‘yun,” napangiting sabi ng dalaga.

Handa na ba si Garrie na aminin sa publiko ang relasyon nila ni Michael? “Made-deny ko pa po ba (sabay ngiti)? Opo, ready na po, nakakataba ng puso, to know someone is proud to be with you, so It’s a good surprise naman po.”

At dahil gusto nga ni Michael na pribado ang mga detalye ng relasyon nila ni Garrie kaya hindi rin binanggit ng dalaga kung ilang buwan na sila, pero sinabi nito sa amin na, “Bago pa lang po talaga.

Huwag na po nating…alam n’yo na po, sa amin na lang po.”

Nabanggit din ni Garrie na nakilala na si Michael ng buong pamilya niya dahil madalas nga raw pumunta sa kanila ang singer na aktor na rin ngayon dahil sa ipalalabas na rin ang launching film niyang “Pare Mahal Mo Raw Ako” sa darating na June 8.

Ang nagustuhan daw ni Garrie sa boyfriend niya ay, “Napakalambing po ni Michael at maalaga.”

Nabibilang sa kilalang pamilya si Garrie on both sides, Ibuna at Concepcion kaya natanong siya kung paano siya napasagot ni Michael na sabi nga ng binata sa nakaraang panayam niya kay kuya Boy Abunda na hindi siya ka-level ng pamilya ng dalaga.

Inamin din na matagal daw nanligaw si Michael kay Garrie.

“Opo, nagpa-girl muna ako, nagpakipot muna. Ha-hahaha! Hindi, ah, ano po kasi, ‘yung one thing na napa-convince ako ni Michael, niligawan n’ya po talaga ‘yung family ko, especially ‘yung mom ko, ako po kasi, napaka-close ko kay mommy, so the fact na nagkakasundo po sila, okay na po ‘yun,” pagtatapat ni Garrie.

Read more...