Sigaw ng netizens: Ellen, Baste nagkatikiman na

ellen adarna at baste duterte

AYAW pa ring tumigil si Ellen Adarna sa pagpo-post ng mga litrato nila ni Baste Duterte na kuha sa isang beach resort sa Siargao. Kaya naman patuloy ang pamba-bash sa sexy star ng mga netizens na obviously, ay inggit na inggit sa kanya.

Tila hindi naman affected si Ellen sa mga bashers dahil tuloy pa rin ang pang-iinggit niya sa mga girls and gays na nagpapantasya kay Baste. Parang ine-enjoy pa nga ni Ellen ang pagkakataon kaya wala siyang ginawa kundi mang-urot.

Sa Tonight With Boy Abunda kamakalawa, sinabi ni Baste na wala talagang namamagitan sa kanila ni Ellen tulad ng paniwala ng nakararami. Sey kasi ng ilang followers ng presidential son, siguradong may nangyari sa dalawa noong nasa Siragao sila.

Paglilinaw pa ni Baste, “May common friends kami kaya kami nagkasama-sama. Pagkakataon ko na rin na magpasalamat sa kaniya kasi very vocal siya sa pagsuporta sa Papa ko during the campaign. Ganu’n lang kasimple. Pero expected ko na rin na intrigahin kami. Salamat.”

Read more...