DAPAT nang tantanan ni Arnell Ignacio ang pakikisawsaw sa mundo ng pulitika para walang nagsasabi na kaya siya nagkakaganyan ay dahil pinaglipasan na siya ng panahon. Sa madaling salita, laos na ang komedyante-TV host, kaya siya nagiging masyadong abala sa pakikipagtaltalan sa social media.
Kung meron pa raw siyang career na pinagkakaabalahan ay wala siyang libreng oras sa pagpo-post ng mga ginagawa niyang video, sobra-sobra raw ang panahon ngayon sa maghapon ni Arnelli, kaya siya ganyan kaaktibo sa pagkontra sa mga pulitikong hindi niya gusto.
Sabi ng kaibigan naming propesor, “Ano ba naman ‘yang si Arnelli, nagpapaka-profound pa siya, nagpapakalalim, pero wala namang pinupuntahan ang mga argumento niya!
“Kung ayaw niya sa nanalong pulitiko, e, manahimik na lang siya, mandato ng sambayanan ‘yun, hindi ng iilang tao lang! Manahimik na lang sana siya, maghanap siya ng trabaho, para may pinagkakaabalahan siya!
“Matalino naman pala siya, di ba? E, bakit hindi niya gamitin sa career niya ang talent na meron siya?
“Bakit napaka-busy niya sa pangangalampag kay Vice-President Leni Robredo, ano naman ang mapapala niya sa mga pinagsasasabi niya?
“‘Yan ang hirap sa mga La Ocean Deep (read: laos) na, for them to be felt, gumagawa sila ng ingay, umeepal sila, pero lalo lang silang nalalagay sa hindi maganda dahil naba-bash sila!”
Puwede!