Anak ni Maricel Laxa instant crush ng bayan

maricel laxa and son

NAG-TRENDING ang guesting ng mag-inang Maricel Laxa at Donny Pangilinan sa Magandang Buhay kahapon. Naging instant crush ng bayan si Donny dahil sa kaguwapuhan nito. Biglang tumaas ang bilang ng kanyang followers pagkatapos ng nasabing morning show. Naging top trending topic din sa Twitter ang #DonnyOnMagandangBuhay.

In fairness, bukod kasi sa guwapo na ang bagets ay kitang-kita rin ang pagiging good son nito kina Maricel at Anthony Pangilinan. Sa mga female youngstars ngayon, gusto raw niya sina Liza Soberano, Julia Barretto at Kathryn Bernardo.

Sigurado kaming may magandang future sa showbiz ang anak nina Maricel at Anthony sakaling pasukin nga nito ang larangan ng pag-arte tulad ng kanyang ina. Bukod kasi sa guwapo ay mukhang may ibubuga rin sa akting ang binata.

Sabi nga ng isang netizen na nag-post ng kanyang reaksiyon tungkol sa guesting ni Donny sa Magandang Buhay nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, “Sure na sure ako na mabilis sisikat si Papa Donny dahil ang cute cute niya. Sana pasukin na niya ang pag-aartista, number 1 fan na niya ako!”

Read more...