Bayani: Sana nga makalaya na ngayong taon si Sen. Jinggoy!

bayani at jinggoy

UMAASA si Bayani Agbayani na sa pagpasok ng administrasyon ni President-elect Rodrigo Duterte ay mapapalaya na ang mga kaibigan niyang sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla.

Matagal nang close si Bayani kay Jinggoy, sa katunayan noong una raw itong makulong sa Veterans Hospital ay lagi na niya itong dinadalaw para pasayahin kaya nang makulong uli ito sa Camp Crame, hindi rin siya nakakalimot na bumisita sa senador.

Nakachika ng ilang miyembro ng entertainment media si Bayani sa ginanap na celebrity at press preview ng pelikula ni Jinggoy na “Tatay Kong Sexy” na two years ago pang natapos pero ngayong June 1 lang ipalalabas sa direksiyon ni Joey Reyes. Isa itong Father’s Day offering.

“Sumuporta naman sila (Bong at Jinggoy) kay Digong, eh, at pinangakuan sila. Sabi nga raw, ewan ko kung dapat kong sabihin ito, ha, sabi raw ano, eh, ‘Ano pang ginagawa n’yo diyan pag-upo ko (Duterte).’ Sana naman talaga magkatotoo.

“At siyempre, isa talaga ako sa nananalangin na makalaya na si Sen. Jinggoy. Nu’ng nag-Christmas eve nga kami last year, sabi ko nga, sana wala nang Christmas eve tayong pupuntahan dito, sana sa susunod sa labas na tayo,” chika pa ni Bayani na gumaganap na sidekick ni Jinggoy sa “Tatay Kong Sexy”.

“Alam mo si Kuya Jinggoy, minsan nga nagugugulat sa akin yung mga tao, kahit kailan ko tawagan yan sinasagot ako sa telepono. Minsan nga tinawagan ko yan sumagot siya sabi niya, ‘4 a.m. na ngayon, eh.’ Sabi ko, saan ka ba? ‘Andito ako sa Amerika.’ Ba’t mo sinagot, sabi ko. ‘Eh, tumawag ka.’ “Isipin mo, senador tatawagan mo wala kang appointment ng 4 a.m. tapos sasagot siya, di ba?” kuwento pa ng komedyante.

Read more...