Charice unang tomboy na cover sa men’s fashion mag

charice pempengco

BONGGA si Charice, oh! Siya lang naman ang bagong cover ngayon ng Mega Man, ang male counterpart ng local fashion magazine na Mega. Kung hindi kami nagkakamali, siya ang kauna-unahang lesbian na naging celebrity cover ng nasabing glossy magazine.

Ayon sa pamunuan ng magazine, ang paglalagay nila kay Charice bilang cover ay isang “bold,” “daring,” at “unprecedented” decision. “Charice speaks her truth and we come to know and understand on the most personal level yet. By most accounts, this has never been done before and whatever way the pendulum will swing, this was move worth taking,” paliwanag ng nasabing mag.

Kung matatandaan, inamin ni Charice on national TV na isa siyang tomboy noon June, 2013. Sey ng international singer, “Gusto ko lang na sabihin sa inyo na, ang gaan ng pakiramdam ngayon, na makakalabas ako ng bahay na wala akong itatago, na wala akong masasagasaang tao dahil wala akong tinatago.”

Noong nakaraang taon, gumawa rin ng ingay ang nabanggit ng magazine nang gawin nilang cover si Vice Ganda na babaeng-babae sa kanyang pictorial. “The cover is not just about fashion. It is a very strong message. It is about democracy. And when we say democracy, it’s not just a form of government. It is a situation where everyone is treated fairly and equally,” sabi ni Vice sa interview.

Read more...